Tuesday, July 9, 2013

Bakit kaya?

Sa panahon ngayon, hindi na batayan kung gaaano ka katagal sa trabaho mo,kundi kung gaano ka kalakas sa Boss mo... Base sa aking naranasan at aking natunghayan, sa loob ng ilang taong nagsakripisyo ka sa trabaho mo, balewala din lahat kung ang Boss ay di man lang iniisip ang kapakanan ng kanyang mga tauhan. Walang karapatang magreklamo, walang tanging magagawa kundi sumunod ano man ang kanyang pasya, dahil hawak ka sa Leeg, no choice ka kasi kailangan mo ng trabaho. Trabahong inaasahan mo at pinagkukunan mo ng iyong pangunahing pangangailangan. Isa pang katanungang gumugulo sa aking isipan, Makatarungan bang bigla kang tanggalin sa iyong trabaho sa kabila ng halos dugo at pawis ay inialay mo magampanan lang ang iyong Trabaho? Nakakaawa lang ang mga taong yun lang ang tanging inasahan,tapos bigla, karakarakang mawawalan ng trabaho? Papaano na sila ngayon,dahil sa panahon ngayon napakhirap ang humanap ng bagong trabaho... Isa pa ung iba binabaan mo ng sweldo...papaano na ang mga Pamilya na sa kanila lang umaasa...

No comments:

Post a Comment